Music
Demo ni Nelo (2009)
1. Sayang Naman | mp3 | lyrics
2. Russel Song | mp3 | lyrics
3. Malayong Lugar | mp3 | lyrics
(to download the song, right click on the mp3 link and choose Save Link As..)
Nelo Player
Check us out at these sites:
Lyrics
Sayang Naman
Tonio Sibal
Sa wakas natagpuan na rin kita
At napatingin na lang ako
‘Di makapag salita
Sa wakas parang ikaw na nga talaga
Teka bebwelo lang sana ako
Lumipas na pala
Sayang naman di na dapat nag isip
‘Di na dapat naghintay ng bawat sandali
Na di pala dadating
Hinayaan ko lang na makaalis
Pagkatapos kong maghintay
At napakasakit hindi na ba mababalik
Nagwakas na ang panaginip ko
Parang hindi man lang nakaimik
Masyado yatang mabilis
Dumaan ang mga araw na tulala
Bakit naghihintay pa rin akong
Makasalubong ka
Sa ‘kin.. at wala ka na
‘Di ka na makikita
Russel Song
Cush Robles
Noon palagi tayong magkasama
Hindi mo ba naaalala?
Palagi tayong tumatawa, lagi tayong masaya
Ngunit ngayon bakit wala na
Ang magandang pinagsamahan bakit ba kinalimutan?
Bakit bigla ka na lang nang-iwan?
Kapag ako’y iyong kailangan palagi mong nalalapitan
Pero ngayon..
Wala na, ‘di na tayo magkakilala
Lahat ng oras, panahon
Hindi na sa ‘tin ngayon
Pinag-ingatang samahan
Ngayon ay ating pagmasdan
Pareho nga ba tayong nawalan?
Ngayon palagi tayong nagkikita
Hindi ka man lang maabala
May iba ka nang kasama, at kayo ay masaya
Ang sa atin ay wala na
Handa ba nating talikuran panahong pinagsaluhan
Dapat ba nating iwanan?
Pagkasira ay nasilayan unti-unti, at dahan-dahan
At ngayon..
Mukhang maligaya ka naman
Sa buhay na iyong napagpasiyahan
Mukhang kuntento ka naman
Sa kanya..
Wala na ‘di na tayo magkasama
Lahat ng oras, panahon
At pagkakataon
Inagaw sa’ting dalawa
Sino’ng naiwang masaya?
Pareho nga ba tayong nawalan?
Malayong Lugar
Tonio Sibal
Lapis at papel
Lampara sa gabi
Nakadapa sa kama ko
Nagpupuyat buong linggo
Tulang hindi matapos tapos
Nagpipilit na makaraos
Estado kong litong lito
Lubog na sa mga trabaho
Inuuwing pisara
Tinago lang hindi binasa
Maraming daang hinaharap
May balak pang sumikat
Eh puro ka naman pangarap
Ba’t ‘di na lang tayo lumipad..
Sa malayong lugar na di ko pa nakikita
Malayong lugar na di ko pa nakikita
Sa malayong lugar na di ko pa nakikita
Malayong lugar na di ko pa nakikita
Dilim ng pag asa
Wala na bang ibang mabasa
Sawa na kong maghanap
Kalaban ang pangarap
Kahit sobra ang pagsisikap
Subukan nga natin lumipad..
Lapis at papel, lampara sa gabi
Nakadapa sa kama ko..
Tulang hindi matapos, nagpipilit makaraos
Estado kong litong lito
Litong lito.. litong lito…
Litong lito..

